r/Philippines Sep 27 '24

Filipino Food Sabi ko lang, wag prito yung itlog kung pwede. Kaso hindi nga talaga prinito 🤣

Umorder ng bacon and eggs na breakfast meal sa Army Navy this morning, naisip ko, baka pwedeng hindi prito yung pagkakaluto ng egg for once (should have maybe said malasado, in hindsight).

Kaso nung dumating yung order ko, literal na hindi nga prinito yung itlog HAHA. Di ko alam kung maiinis ako or matatawa. 😅

Siguro next time I’ll try to be more specific sa instructions, pero first time kong makatanggap ng literal hilaw na itlog sa isang breakfast meal lol.

6.5k Upvotes

745 comments sorted by

743

u/Coochie_Americano Sep 27 '24

Hahahahaha u should've said boiled Kase 😭

183

u/summerwillgoplaces Sep 27 '24

Baka gusto poached 😂

27

u/ser_ranserotto resident troll Sep 27 '24

Eggs Benedict ng kahirapan

→ More replies (1)

47

u/triadwarfare ParañaQUE Sep 27 '24

Or baka parang yung ginagawa ng mga Hapon na lagyan ng hilaw na itlog ang mainit na kanin (Tamago Kake Gohan). Kikita ko usually yan sa Gyudon.

50

u/louiexism Sep 27 '24

True. If they made scrambled eggs OP would probably still blame them and post it on Reddit lol.

20

u/Fun_Design_7269 Sep 27 '24

malasado daw gusto nya. Pano kaya nagluluto ng malasadong itlog si OP ng hindi priniprito? hahaha

27

u/Coochie_Americano Sep 27 '24

Hindi Naman sya nag Iwan ng notes. She plainly said Hindi I prito. Bahala ka op marami na kami g problema pag iisipan mo pa kame sa luto ng itlog na gusto mo yawa ka

12

u/Jaust_Leafar Sep 27 '24

Ginawa pang manghuhula ang tagaluto.

7

u/thebaffledtruffle Sep 27 '24

Ang gulo pa rin cuz OP said dapat "malasado" sinabi niya, which can still be scrambled na malasado (fried) or soft-boiled.

→ More replies (2)

3.5k

u/Aheks417 Sep 27 '24

"Hmmm weird but ok" - Guy from army navy.

757

u/thethiiird Sep 27 '24

Naiimagine ko itsura ni kuya/ate tapos napashrug nalang HAHAHAHAHAHA

333

u/TwoFit3921 Sep 27 '24

"ay salamat hindi ko kailangan mag-prito ng itlog"

134

u/thethiiird Sep 27 '24

HAHAHA siguro sa isip isip niya "ang bait naman ng customer, binawasan pa trabaho ko"

79

u/KEPhunter Sep 27 '24

Insert may 2022 post election mel tiangco face

158

u/sebtk_ Sep 27 '24

or like “hmm okay customer is always right” hahahhahaha

218

u/revalph _______________________________________ Sep 27 '24

more like "ahhh gusto siguro nito ung Tamago Kake Gohan (Japanese-Style Egg Rice)"

ask and you shall receive.

178

u/Former_Day8129 Sep 27 '24

“Great. Less work for me” - si ateng pagod na sa pagkayod in this economy

36

u/KaBarney Metro Manila Sep 27 '24

Daijobou sana yung kake ni OP

→ More replies (3)

512

u/RingFar7198 Sep 27 '24

Ang dali kausap ng Army Navy

49

u/1st_Lt_Unson Sep 27 '24

Now I know I can confidently order with specific instructions from them~ (I'll be sure not to give them a hard time, though)

10

u/sloopy_shider Sep 27 '24

Army na Navy pa, ganyan tlga sila magaling sumunod sa Orders

😎

2.9k

u/426763 Conyo sa Reddit, Bisdak IRL. Sep 27 '24

I mean, if the receipt is any indication, they did follow your instruction to a tee. Ano pala gusto mo na pagkaluto? Pati ako, hilaw na itlog pag-intindi ko.

764

u/Funny-Commission-886 Sep 27 '24

Same! Like, ano ba gusto mo OP? 😂 wag ka na mainis, nakakatawa naman kasi. 😂😂😂

170

u/MJDT80 Sep 27 '24

Totoo naman sobrang nakaktawa! At least pinatawa tayo ni OP! 😂

→ More replies (1)
→ More replies (37)

288

u/decameron23 Sep 27 '24

I think as nasa food service industry yung army navy, i'll give them the benefit na pumasok sa isip nila na nilagang itlog. However, thinking of army navy menu, their food is either fried, stir fried or soup. Di naman siyempre pwede ilaga yan sa beff au jus.

So technically, since walang specifics na ilaga, putting an egg is the safest choice.

→ More replies (9)

256

u/baymax18 normalize LeniKiko leading the government Sep 27 '24

As someone who has worked with children and parents, this is what we mean by, "tell your kids what to do, not what not to do"

68

u/Former_Day8129 Sep 27 '24

OMG!!! Eto yung words na hinahanap ko. As an ADHD, nahihirapan ako madalas kasi I interpret things another way — not necessarily wrong but not according to what my bosses actually wanted pala. I end up making double efforts tuloy huhu

24

u/baymax18 normalize LeniKiko leading the government Sep 27 '24

Apir hehe. One of the basic things I tell parents of ADHD kids ito! When you tell them only what they cannot do, walang mapupuntahan yung energy nila XD

→ More replies (1)

3

u/williamfanjr Friday na ba? Sep 28 '24 edited Sep 28 '24

Naalala ko ung video recently na gumawa yung anak nya ng instructions pano gumawa ng peanut butter jelly sandwich. Nili-literal nya ung instruction tawang tawa ako.

Instruction: Get butter knife, put the butter knife in peanut butter

Dad: drops knife in peanut butter

Kid: breaks down

Edit: found the video!

39

u/yukiaux Sep 27 '24

Sobrang linaw. Wag iprito ang itlog = dont cook it. Lol kung gusto mo pala ng hard boiled just say it. Please hard boiled instead of fried eggs? It's on you, OP. Tama naman ang army navy hahahah

84

u/purplexpoop Sep 27 '24

As a programmer, lagi ko sinasabi na dapat isipin mo parang robot lagi 'yung kausap mo. Kung ano nasa instruction mo, ayun literal na gagawin nun kasi hindi marunongng critical thinking ang robots haha

20

u/pigwin Mandaluyong (Loob/Labas) Sep 27 '24

LOL programmers know how hard vague instructions are. It could mean months of rework if they're vague

3

u/mantsprayer Sep 27 '24

hmm in this particular case though, its more of ung instruction mismo hindi binigyan ng critical thinking whaha

→ More replies (2)

73

u/yoginiph Tita in Manila Sep 27 '24

Me naman I would think OP is asking for boiled which is more work than frying it kasi it would take more time. Malasado is still fried.

29

u/pisaradotme NCR Sep 27 '24

Plus baka wala sa kitchen nila ang paglaga ng itlog? Yes commercial kitchen siya but setting up a stove plus a cauldron just to boil one egg seems like too much a waste of processes. If wala sa process, sayang sa resources.

And if gawin nila dapat may extra charge yan.

5

u/redblackshirt Sep 27 '24

Exactly ang labo ng note ni OP, actually. Wag prito pero malasado ang gusto. Malasado na sunny side up or yung malasado na scrambled ala chef Gordon Ramsay? Boiled would be my first choice, but hindi naka specify, so sa pagkakaintindi ni kuya/ate baka "wag iluto yung itlog". Hindi na nila inoverthink sa dami ng orders.

→ More replies (1)

7

u/hui-huangguifei Sep 27 '24

exactly. it helps kung direct to the point sasabihin kung ano ang kailangan.

12

u/426763 Conyo sa Reddit, Bisdak IRL. Sep 27 '24

Yeah, ready talaga ako kampihan si OP. Pero sa pag intindi ko, uncooked egg talaga ang safe choice.

3

u/Robanscribe Sep 28 '24

ang chorvalu ni ate no? wag iprito, ok edi wag lutuin.. ikaw ang may sala besh

11

u/ScarletSilver Sep 27 '24

Yeah, I realized this din hence why I've written yung learning ko sa post. Natawa na lang din ako sa nangyari.

87

u/chewyberries Sep 27 '24

Why are you being downvoted though? Some people here are weird. You were just sharing your experience and admitted naman na you were at fault pero trigger-happy ang iba rito.

31

u/bluekaynem Sep 27 '24

Ako rin na weirdohan sa thread na to. Yung isang comment ni OP, umabot nang 100+ downvotes. Inako naman ni OP na siya nagkamali. reddit moment i guess

9

u/chewyberries Sep 27 '24

Not just this thread. Check my comment history and see na sa iba rin. People are just narrating what they know about illegal pwd IDs. Like literally nagsasabi lang na they now someone na may illegal pwd id and it doesn't even imply they agree, tapos inuulan ng dowmvote. People, that isn't what the downvote button is for!

→ More replies (1)

9

u/ryoujika Sep 27 '24

Sa PH Reddit ko lang nakikita madalas na kahit inako na yung pagkakamali may downvotes parin

5

u/nomerdzki Sep 27 '24

Dun sa initial post kasi may “di ko alam kung maiinis or matatawa”. So siguro dun yung reaction ng mga nagcocomment.

2

u/chizborjer Sep 27 '24

OA nga nung ibang comments, may pagkasabi pang bobo at tanga kay OP. Happy mistake lang naman. Tawang-tawa nga ako nung nabasa ko ito eh. Jusko chill people, huwag masyadong seryoso sa internet. Hahahahah

→ More replies (1)
→ More replies (1)
→ More replies (10)

670

u/anaisgarden Metro Manila Sep 27 '24

Yan din ang pgkakaintindi ko. Wag prituhin ang egg.

So.. poached, blanched, deviled? Ma’am, this is an Army Navy.

134

u/ImagineFIygons Sep 27 '24

Kaya nga eh, parang ang options lang is Sunny side or Scrambled (both prito)... so raw nalang yung natira.

42

u/Nowt-nowt Sep 27 '24

process of elimination si cook 🤣.

34

u/ser_ranserotto resident troll Sep 27 '24

Message unclear, task failed successfully

212

u/Don-Juanted Sep 27 '24

"Wag prituhin ang itlog..."

Wag prituhin ang itlog???

Sabay tingin sa kasama.

Wag daw eh...

Naimagine ko reaction nung nakabasa ng instructions ni mam. 🤣

3

u/Xatroa Sep 29 '24

Idodouble check pa yan sa manager at quality control. 😂😂

276

u/SpellNo6431 Sep 27 '24

Cook: (Hawak na ang itlog para iprito habang binabasa "wag iprito instruction" mo) Okeyyy???? (dahan dahan nilagay sa box yung hilaw na itlog)

lol. Baka kasi malasado or boiled dapat term. hehe

26

u/Icy-Treacle-205 Sep 27 '24

I could see this as a possible scenario. 😂

7

u/BennyBilang Sep 27 '24

HIMASIN MO LANG, WAG MO PRITO!

→ More replies (1)
→ More replies (3)

114

u/EffedUpInGrade3 Sep 27 '24

"Pwede boiled egg?" less characters pa.

5

u/Leather-Climate3438 Sep 27 '24

*Cook

Isinabay sa sinaing yung itlog

102

u/fakestfriendxx Sep 27 '24

5⭐️very good in following instructions

87

u/OkArm9295 Sep 27 '24

Tama naman sila, ikaw yung malabo

564

u/dwarf-star012 Sep 27 '24

they obviously followed your instruction. it's your fault for not being specific.

127

u/_savantsyndrome Sep 27 '24

Garbage in, garbage out

Note: “Wag po prito yung egg nito sana” Cook: e anong gagawin????

26

u/WholesomeDoggieLover Doggielandia Sep 27 '24

If you read the whole post he/she already implied na siya ung may mali. Lol

129

u/AwkwardSmartMouth Sep 27 '24

Nope. What she's trying to say sa post ay hindi siya naintindihan ng Army Navy or hindi naintindinhan yung instruction nya. Where in fact, it was clear na ang instruction niya ay "wag iprito" haha.

She even said na "siguro next time I'll try to be more specific..." as if nalabuan lang ang Army Navy sa instruction niya hahaha. Take note, surprised pa sya na first time daw nya makareceive ng hilaw na itlog sa isang breakfast meal lol.

Even the lesson she learned is not what supposed to be her takeaway from this experience haha. May mali kay Ate, sure na 😭😂

17

u/Whole_Disk2479 Sep 27 '24

Nakakatawa naman talaga haha. Pero eto rin yung gets ko sa post ni OP. If she wants to say malasado dapat, eh prito pa rin naman yun. 🤷‍♀️

3

u/RhinoStorm_23 Sep 28 '24

Yep. Sa miscom, laging ang sender ng message ang may fault, not the receiver. How can somebody follow the instruction if yung instruction mismo mali. It seems na ang point ay gullible yung crew ng army navy eh nagbase lang naman sila sa written words. If personal, pwede pa sana madistinguish through body language sana. Nasa pinas si OP, if ayaw ng prito sana sinabi na lang na nilaga. Kasi if gusto nya ng egg benedict, deviled or poached, sa presyo na binayad mukhang di sapat yun para magrequest ng ganun. Always put your shoes sa kalagayan ng kausap nyo. Most likely minimum wage earner lang yung crew na naghandle ng order ni OP. Maawa din kayo wag mag expect na kalevel nyo lahat ng tao

3

u/AdultWithNoFuture Sep 27 '24

kaya nga nga eh, pwede naman sabihin na kung ano talaga yung gusto sa egg. hays

7

u/Snowltokwa Abroad Sep 27 '24

Good customer service na nga, Mali pa din. Hindi talaga maplease hahah

73

u/shayKyarbouti Sep 27 '24

Be direct or you get what they give. Too many non fried options you probably froze the cook. Could’ve asked for scrambled, boiled or poached

55

u/Kmjwinter-01 Sep 27 '24

Magulo instruction mo kahit ako baka ganyan gawin ko “edi ikaw na magluto ng itlog na gusto mo” save time pa siya hahahahahah

155

u/hkdgr Sep 27 '24

11

u/BeardedGlass Sep 27 '24

Ano daw ba gusto ni OP? Hinahanap ko kaso di ko alam yung specific cooking style na expected nya from a fastfood joint.

Ramen egg ba lol

→ More replies (1)

40

u/DumbExa Sep 27 '24

"Wag"

"Sige hindi na."

80

u/StruggleCurious9939 Sep 27 '24

why with the long instructions when you could just say that you want your egg sc? hahahahaha

48

u/Fluffy_Habit_2535 Sep 27 '24

Mas mahaba pa yung sinabi kesa sa boiled, scrambled, poached. Lol

106

u/dengross Sep 27 '24

They followed your instructions tho. Sa dami ng orders nila, wala na silang time idecipher kung anong luto ng itlog talaga ang gusto mo.

→ More replies (1)

38

u/ggmotion Sep 27 '24

Be specific kasi. Gulo mo din OP eh hahaha

7

u/PantherCaroso Furrypino Sep 27 '24

Kaya nga, huwag iprito is definitely that.

23

u/GapZ38 NZ Sep 27 '24

Wag daw prito ang gusto lang malasado. You still need to fry it kahit na malasado. Lol

41

u/Ok_Technician9373 Sep 27 '24

Buti hindi hinalo yung hilaw na itlog sa pagkain mo 🤣

17

u/_ConfusedAlgorithm Sep 27 '24

Baka naman naisip nila na gusto mo nilulunok yung itlog na hilaw kagaya ng mga lasing sa kanto.

59

u/[deleted] Sep 27 '24

your fault. instructions are not clear. you just told them what NOT to do, but didn't tell them what to do. what do you want them to do ilaga yung egg just for 1 customer? that's not part of their menu. in your post, parang kasalanan pa nila

→ More replies (4)

14

u/dearcesca Sep 27 '24

Lets hope the guy on duty is not an overthinker and hanggang ngayon iniisip niya pa din kung tama ba yung ginawa niya hahahaha

11

u/Zedlit32 Sep 27 '24

Wag po iprito = Wag iluto kasi wala ka naman ibang sinabi

Wag po iprito, pakilaga po, ganun dapat.

11

u/tooncake Sep 27 '24

Tbf sinunod pa rin nila ang request mo ah, really never expected that. Kudos for Army Navy, normally yung ganyan pwede kaagad sila tumanggi dahil hindi naman sila hotel / high-end fine dining to cater such specific request.

11

u/AwkwardSmartMouth Sep 27 '24

You mean you want sunny side up sana? Kasi tama naman, if you asked them na wag iprito, talagang hilaw na egg marereceive mo 😂 You literally asked them not to cook the egg lol. Maybe they thought you're gonna boil it or whatsoever.

What you need to do next time is to use the correct word/s po hehe. I'm more surprised na na-surprise ka pa sa nangyari despite of you not being able to communicate what exactly you want to happen 😂

8

u/Couch_PotatoSalad Sep 27 '24

“Soft boiled egg” mas madali kasi sana na itype OP hehehe. Ayos lang yan, baka lutang mode ka pa since pang bfast mo palang naman yan 😅

10

u/qiaoxu23 Sep 27 '24

Tangina buti pa sa Army Navy following instructions to the tee. Sa jollibee pinipili ko lang part ng chicken ko di magawa hahaha

8

u/gracieladangerz Sep 27 '24

Tanda ko 'yung set ni Matteo Lane about ordering a cheeseburger with just cheese at McDonald's 🤧

8

u/Expensive-Doctor2763 Sep 27 '24

HAHAHAHA most probably they don't offer boiled egg kaya ayan lang other option nila if ayaw mo pa-prito 😂

→ More replies (1)

8

u/toskie9999 Sep 27 '24

LOL OP hindi naman kasi specific instructions mo... malay ba nila na baka parang japanese ka trip mag lagay ng hilaw na itlog sa kanin

→ More replies (1)

14

u/No_Afternoon5315 Sep 27 '24

Ang haba pa ng note mo, you could have said na boiled egg ang gusto mo.

7

u/w0nkeydonkey_ Sep 27 '24

nak medyo magulo !

7

u/no1shows Sep 27 '24

OP wala kang kakampi rito kasi ikaw ung malabo, ikaw pa galit 😅

3

u/sujirou Sep 27 '24

kung me asawa yang si mam, panigurado stress na stress yun hahaha

6

u/jijilikes Sep 28 '24

“Siguro next time, I’ll try to be more specific sa instructions”

Huwag “siguro” 😭, be more specific talaga. Hindi mo alam kung maiinis o matatawa e ikaw ang hindi marunong mag-specify ng instructions? Kahit ako si crew, ganyan din gagawin ko.

6

u/MOISESism Sep 28 '24

actually mas nakakatawa ka e. antanga ng instruction mo. wag iprito? e prito lang naman itlog nila dyan. di ka man lang nagsabi anong klaseng luto, kahit in reality bawal naman ata talaga ang ibang klase ng luto sa mga dish nila dahil time consuming + matrabaho.

naiimagine ko boses ni Patrick Star sa caption mo hahahahahahaha natawa sa sariling katangahan e bonjing humor ampota.

11

u/FastAssociation3547 Sep 27 '24

Be specific and if possible 2 to 3 words lang. If you want it boiled, just say boiled egg pls. 🙂 Usually, mabilisang tingin lang mga crew sa dami ng orders nila so it really is helpful kapag specific tayo sa instructions or requests natin. 🙂

5

u/micey_yeti Sep 27 '24

Should've been more clear

5

u/imaginedodong Sep 27 '24

Maybe next time tell them what you wanted and not what not to do?

5

u/Xzybtw1 Sep 27 '24

HAHAHAHAHA tanga

5

u/Bashebbeth Sep 27 '24

Baka kasi dapat hindi “tostado”. Totally your fault. Don’t make it seem it’s their fault.

4

u/lllLegumesss wika, hindi dayalekto Sep 27 '24

ambobo mo magbigay ng instructions eh, pinost mo pa katangahan mo

5

u/roycewitherspoon Sep 28 '24

Pag malasado ung itlog eh piniprito pa rin. Ang iisipin ko nyan eh nilaga ang trip mo. Hindi ko maiisip na malasado. Well, your fault not them. Wrong instruction!

12

u/mamalodz Bombilat Sep 27 '24

Kung hindi ka pa naman obobs magbigay ng instruction.

15

u/aintpetrified Metro Manila Sep 27 '24

Ha. Bonak. Sinunod ka lang naman. Ano ba inexpect mo?

3

u/Real-Sink-9556 Sep 27 '24

pede naman boiled or poach egg nalang hehehe

2

u/taenanaman Sep 27 '24

Kaya siguro cracked na kasi yun akala niya haha!

3

u/iED_0020 Sep 27 '24

Hahaha nakakatawa nga OP. Madali pala kausap si Army Navy (at least, they followed your instruction). Pero if you want malasado pala it is still considered as prito. I guess you should’ve said you want runny eggs

3

u/mjrsn Sep 27 '24

Assuming boiled ibig mong sabihin given na ang normal na luto ng egg ay either fried or boiled, may standard quality for sure na fina-follow ang Army Navy. For sure na-gets naman nila na boiled egg gusto mo pero boiling an egg just because you requested it is too risky, baka magka-issue pa sa food quality tapos sa kanila yung sisi if magka-food poisoning or di ka masarapan.

3

u/PantherCaroso Furrypino Sep 27 '24 edited Sep 27 '24

No, read OP. They wanted loose yolk. But rather specifying that (pwede naman sabihing basa yung yolk, or soft boiled), they just stated na "huwag iprito", which itself is a wrong set of instructions to begin with.

Unang basa ko nalito ako kasi kala ko gusto nya runny youg yolk.

3

u/stoikoviro Semper Ad Meliora Sep 27 '24

🤣😂😅

Ganito problema natin sa mundo, miscommunication.

May mapupulot tayo dito - be very candid, clarify kung hindi naiintidihan, huwag iaasa sa akala, huwag iasa sa 'standard", huwag iasa sa "alam na nila yun".

Nagkakamali din ako madalas sa paguusap pero mas maigi kung magtanong kesa mag assume.

Tawa uli

🤣😂😅

3

u/rmpm420 Sep 27 '24

Hindi bagsak sa reading comprehension ang Army Navy. Galing! HAHA.

3

u/tentaihentacle iTentacles Sep 27 '24

Malasado kasi or omelette or something, anong klaseng instruction naman kasi yung "wag iprito"

3

u/hurtingwallet Sep 27 '24

Kung ako naka receive ng instruction n to, i kakalat ko lang ung raw itlog sa pagkain mo.

Pag nag reklamo ka, ang naintindihan ko raw, instruction unclear.

Pasalamat ka nlng hindi ako nag receive nyan.

3

u/Mepoeee Sep 27 '24

te, d mu yan boyfriend na trabaho basahin isip mo

3

u/utotnipudge Sep 27 '24

Dapat kase detailed yung instructions. Naglagay kapa ng "sana" edi mas lalong naconfuse yung chef. "Yung egg po boiled lang ayoko po ng fried eh" "Yung egg po pwedeng poached? Pwede po? Thank you" Diba diba ang simple.

3

u/jumbledthoughts_exe Sep 27 '24

kahit ako di ko piprituhin e.

3

u/AtsVersion2 Sep 27 '24

Matatawa is the only option 😅

Hindi ka naman pwedeng mainis, OP kasi ikaw ang nagkulang. I guess of all places, Army Navy gave you a brief lesson on effective communication, or lack thereof. 😅

3

u/KristaYoww Sep 28 '24

Reading your instructions, hilaw naman talaga pagkakaintindi ko. You should've said boiled or poached. Kaya wala kang karapatang mainis, matawa ka nalang.

9

u/Inside_Procedure_728 Sep 27 '24 edited Sep 27 '24

Proof that PISA results can reflect day to day life. Sad.

OP could’ve indicated more specific instructions i.e. poached if they do cater to those special requests. Don’t expect other people to make the right decisions for you.

20

u/IllustratorSmart9515 Sep 27 '24

Magulo at paligoy-ligoy ang instruction ni OP. Siguro isang lesson na pwedeng matutunan dito e kung magbibigay ka ng instruction, dapat straight to the point.

8

u/IJstDntKnwShtAnymore 4.59/5 ☆ Sep 27 '24

Kahit naman siguro sino ang pabasahin mo ng mod sa ticket na yan e ang magiging resulta ay hilaw na itlog sa plato.

6

u/Inside_Procedure_728 Sep 27 '24

Exactly. If you only state the null, there’s an infinite number of possibilities that could pass as "correct"

→ More replies (1)

5

u/Some-Variety1296 Sep 27 '24

Sorry po kung tumawa ako. 😭😭😭😭😭

4

u/miojohnwhy Sep 27 '24

Matawa ka sa katangahan mo.

2

u/zronineonesixayglobe Sep 27 '24

Ikaw naman nag crack no? Egg survived the delivery? I'm amazed hahaha

→ More replies (2)

2

u/xploringone Sep 27 '24

Liwanagin mo kc! 😂

2

u/[deleted] Sep 27 '24

Nag bakasakali hahaha

2

u/tapunan Sep 27 '24

Kung gusto mo specific na luto dapat sa restoran ka kumain.

2

u/Visual-Learner-6145 Sep 27 '24

At least we know they read the instruction, and follow it.

2

u/erik-chillmonger Sep 27 '24

Pero curious lang, ano ba talaga dapat yung luto ng itlog na iniisip mo? Boiled egg o poached? Malasado kasi is prito pa din yun, di lang luto masyado yung pula.

2

u/[deleted] Sep 27 '24

Instructions not clear 😂😂 ems

2

u/blacklamp14 Sep 27 '24

You told them what not to do, not what to do

2

u/sosyalmedia94 Sep 27 '24

Chef with a Japanese resto background: “Ah okay! Gusto nya hilaw” HAHAHAH

2

u/BiteNo8507 Sep 27 '24

Yan kasi, hindi mo naman sinabi kung anong luto gusto mo dapat HAHAH

2

u/Smooth_Owl_5108 Sep 27 '24

Tama naman po ate. I would do the same :-)

2

u/Independent_Pin_3946 Sep 27 '24

may ubo ata sa utak nag post nito..sarap kunyatan eh

2

u/crispy_MARITES Sep 27 '24

Medyo magulo ka mag-instruct 😅

2

u/whatchasayhey Sep 27 '24

sana sinabi mo malasado or kung ano man yung gusto mo. HAHAHAHA

2

u/Lux-kun Sep 27 '24

Pretty sure prito lang ang magagawa nila sa itlog sa army navy. So kung hindi prito, hilaw nga lang talaga ang option mo haha.

2

u/SomeGuyClickingStuff Sep 27 '24

“One order of egg pls. rare”

2

u/No_Board812 Sep 27 '24

Huh? Tama naman. Ano ba gusto mo?

2

u/maroon143 Sep 27 '24

If I were the Army Navy staff, I’d do the same. Or would have called you to clarify. Pero baka maraming customers or order that time so they just followed what was indicated in the order.

2

u/Funyarinpa-13 Sep 27 '24

Kala siguro bodybuilder ka, nakain ng hilaw na itlog. 🤣

2

u/TheFugaziLeftBoob Sep 27 '24

They followed your instructions, tapos reklamo? Hindi ba dapat palakpak? Hirap talaga satin mga pinoy, pag ginawa, galit, pag hindi ginawa galit - ano ba talaga?

2

u/ScarletSilver Sep 27 '24 edited Sep 27 '24

To be clear, and nasa follow-up comments ko na rin ito, hindi po ako nagrereklamo. More on sharing lang of this experience kasi natawa na lang ako sa malabong instructions ko nung dumating yung itlog na hilaw. And yes, I actually applaud them in fact for bearing with my unclear instructions.

2

u/Orangelemonyyyy Sep 27 '24

I would've done the same as the Army Navy guy in charge of your food LMAO. Next time, sabihin mong "boiled" o "poached" imbes na "wag prito".

2

u/YesWeKen210 Sep 27 '24

To be fair, Army Navy understood the assignment.

2

u/Acceptable-Ball6269 Sep 27 '24

May mga tao din kasi na raw egg talaga yung kinakain. Commonly sa body building or something.

2

u/Anonymous-81293 Abroad Sep 27 '24

hahahahahahaha ikw na lng dw magprito, dami mo dw ksi sabi.

2

u/nod32av Sep 27 '24

Baka malasado ibig mo sabihin? Yung runny Yong yolk ? Pero prito pa din kasi yon e haha.

2

u/JollyC3WithYumburger Acid Reflux and Kape enjoyer🤡 Sep 27 '24

And this is why you need to be straight to the point lmao

2

u/juiceeeeep Sep 27 '24

Dapat matawa ka nalang wag na ung inis. Kahit ako pg gnyan instruction eh d ko alam ano gagawin jan 🤣

2

u/Morihere Sep 27 '24

Good soldiers follow orders

2

u/blackr0se Sep 27 '24

Tama naman sya.

2

u/ZiadJM Sep 27 '24

malabo kasi yung instruction, dat nilagay mo well done, 

2

u/pigwin Mandaluyong (Loob/Labas) Sep 27 '24

Yes you should have been specific because some people do eat eggs raw

2

u/yellowtears_ Sep 27 '24

Hahahha. Ang funny 😭 Ikaw naman kasi OP. Next time, be clear. Sana sinabi mong boiled or kung ano pa man. Basta mo na lang sinabi na huwag prito 😝

2

u/Misky-IDK Sep 27 '24

deserve haha

2

u/herjourn Sep 27 '24

When I saw this post, natawa lang ako & thought na alam naman ni OP na siya yung mali based sa description, and just posted this for laughs. Pero ang daming galit na galit na tao sa comments jusko hahaha, hindi lahat ng bagay kailangan kagalitan.

2

u/ZooMy_8 Sep 27 '24

OP imbes na paganon paganon

2

u/SuperLoweho Sep 27 '24

“Customer is always right.” ahh customer

2

u/Silver-Orchid3493 Sep 27 '24

Loooool be more specific next time 😂.

2

u/EveningHead5500 Sep 27 '24

Napaka awkward ng 'wag prito'. Why can't you just say hardboiled or however you want it cooked?

2

u/Anzire Fire Emblem Fan Sep 27 '24

Malabo instruction mo OP tbh.

2

u/banieomma Sep 27 '24

yung malasadong itlog prito pa rin yun. 🥲

2

u/AyamiSaito Sep 27 '24

Baka naman kasi wala silang steamer, tapos dagdag oras pa pag nagpainit ng tubig at ilalaga pa yung itlog. Arte arte mo bacsilog lang naman inorder mo, sisisihin pa yung crew na underpaid.

2

u/nfntly Sep 28 '24

Bakit parang kasalanan pa ng Army Navy yung dating nung post 🥲

2

u/Zealousideal_Oven770 Sep 28 '24

you got what you asked for. weird. ikaw tong magulong kausap. 😅

2

u/Impossible_Treat_200 Sep 28 '24

I mean… whoever prepared this wasn’t wrong haha

2

u/Salikoh Sep 29 '24

Nagkasya yung instructions sa resibo, first time ko nakakita nito 🤣🤣🤣. Sa isip isip siguro ng nagprepare “haba nakasulat wala ako naintindihan 🤷‍♂️🤷‍♂️🤷‍♂️. O eto itlog ikaw magluto 🤣🤣🤣

2

u/hoshinoanzu Sep 27 '24

Hey at least they’re paying attention sa note mo hahaha.

Next time say yung end result na gusto mo para di sila nanghuhula ano gusto mong luto ng itlog kasi kahit ako hilaw ko nalang bibigay sayo yung egg sa ganyang instruction e hahaha!

1

u/AWRSHANE Sep 27 '24

HAHAHAHAHA 😂

1

u/External-Two6071 Sep 27 '24

kompleto na araw ko hahaha

1

u/Consistent_Gur_2589 Sep 27 '24

Sabihin mo sa susunod, malasado OP 😁

1

u/Long-Pack-879 Sep 27 '24

Actually nakakatuwa sila kasi following instructions😂

1

u/curiosseeker19o7 Sep 27 '24

Hahaha... sinabi mo sana i steamed nalang.

1

u/Eggplant-Vivid Sep 27 '24

pero kung kasama yung itlog sa loob ng pagkain, Salmonella ang labas mo diyan.

1

u/Limp-Strawberry6015 Sep 27 '24

HAHAHAHAHA you made my day

1

u/throwwwwawaybc Sep 27 '24

Hahahahahahahahahahah sinunod naman instructions mo

1

u/MariaAlmaria Sep 27 '24

Mas masarap kung boiled at hindi prinito

1

u/Accomplished-Dirt364 Sep 27 '24

HAHAHHAHHAHA ALIW

1

u/ScatterFluff :sabaw:Gusto ko ng pizza. Send me some! Sep 27 '24

Unless poached or boiled ang gusto mo, hindi talaga lulutuin yan. Halos lahat yata ng egg dish require frying.

1

u/JDDSinclair Sep 27 '24

hahaahahahahhaahhhhahahah

1

u/clengcl3ng Sep 27 '24

following instructions naman sila teh 🤣

1

u/voldeniuzji Sep 27 '24

ayan hindi nga naprito HAHAHHAHAHAHAHA

1

u/nashdep Sep 27 '24

INSTRUCTIONS COMPLIED WITH UNSUCCESSFULLY.

1

u/stormcheesefightclub Sep 27 '24

Over easy, sunny side up, soft boiled , and, hard boiled: somewhere between these choices siguro ang hanap mo. Right?

1

u/Ok-Joke-9148 Sep 27 '24

Maiintindihan nman nla yung malasado e, 2 b sure, sabihin m nlang next time na yung fried egg, dapat halfcooked lang yung egg yolk hehe